Alam Mong Medyo Matagal Ka Ng Hindi Naka Uwi Ng Pilipinas Kung


Alam mong medyo matagal ka ng hindi naka uwi ng Pilipinas kung ……
By Pier Angeli B. Ang Sen

1. Mas madalas mong gamitin ang VERB form ng salitang FLY kaysa makakita ka ng NOUN nito.

2. Yung sa araw araw mong mga tinatawag na Uncle at Auntie ay hindi mo naman talaga mga kamag anak.

3. Hindi mo ma picture out ang Gapusang Daga

4. Nababahuan ka na sa tuyo..(naku, emergency yan!)

5. Matagal ka ng hindi naka gamit ng tabo.

6. Hindi mo lubos ma isip na hilain ang sinulid na nakatali sa milk teeth ng anak mo upang itoy mabunot.

(sinulid na minsan pay tinatali din sa pintuan)

7.Gino- “Google” mo na kung ano ang itsura ng batya, palu palo at palayok

8. Makapal na ang muscle mo sa leeg dahil mas madalas kang nakatingala duon sa mga kausap mo kaysa ikaw yung naka tungo.

9. Hindi mo kayang isawsaw yang banana bread mo sa dala dala mong kapeng Grande o Venti.

10. Nag ala Street Boys na yung building nyo dahil sa lindol hala sige, trabaho ka pa rin..

11. Ang alam mong Jumper ay damit , Ang alam mong Octopus ay yung na sa Aquarium
At hindi mo mawari kung ano ang kinalaman ng mga ‘to sa kuryente?

12. Hindi mo alam kung ano ang buraot.

13.Hindi mo na kayang mag lakad sa loob ng bahay na nakayapak.

14. Hindi mo kayang i display sa la mesa ang lechon na kasama pa yung ulo.

15. Matagal ka ng hindi nakakita ng taong binabasa ang daliri ng laway, bago siya mag bibilang ng pera.

16. Matagal ka ng hindi nakakitang nag sisiga ng tuyo na mga dahon at basura..
( yun nga lang kung forest fire.)

17. Medyo madalang ka na makakita ng mga lalakeng nag lalakad sa kalye na walang mga pantaas ..
( maliban na lang kung may gender sensitive related cause demonstration sa labas ng bahay mo)

18.Tawag mo sa lahat ng insecto ay bugs.
( eh sa iba naman talaga ang bubuyog, gagamba, ipis, lamok at kulisap diba?)

19. Hindi mo maalala kung kailan mo huling binigkas ang mga salitang
“Puera Usog ” at Tabi Tabi po.”

20. Matagal ka ng hindi nakarinig ng kwento tungkol sa kapitbahay mo na aswang,
kamag anak na tinatawas at kakilala na kinukulam.

21. Hindi mo alam kung paano gagamitin yung pinadalang banig.

22. Hindi mo na alam na ang dirty ice cream ay ube, cheese at chocolate flavors.

23. Ang alam mo lang na ibig sabihin ng kabayo ay horse..

24. Mas Amerikano ka pa magsalita kaysa Amerikano.

25.Higit sa lahat , ang kilala mong Presidente ng Pilipinas ay si Magsaysay pa…
Bukas na bukas din magpakabit ka na ng The Filipino Channel mo dyan…at kumuha ka na ng ticket…magbakasyon ka muna dito…

At tigilan mo na ako sa katatanong mo kung may kuryente na sa
Catarman ,Camiguin…( nuong grade 4 pa tayo ,meron na!)

Ang Lola ko nga may router, yes, naka WiFi na kaya!

by Pier Angeli B. Ang Sen ( for my dearest friend/s abroad)

– Posted using BlogPress from Pier Angeli Ang Sen’s iPad2